DA, pinawi ang pangamba ng publiko mayroon man o walang African Swine Fever sa bansa

by Erika Endraca | September 5, 2019 (Thursday) | 2435

MANILA, Philippines – Inaasahang makukuha Ngayong Araw (September 5) ng Department of Agriculture (DA) ang resulta ng isinagawang confirmatory laboratory test sa mga baboy na namatay sa ilang lugar sa bansa nitong Agosto. At Bukas (September 6), araw ng Biyernes balak ng DA na isapubliko ito.

Bagaman di pa pinal ang resulta at di pa alam kung mayroon ngang African Swine Fever sa bansa, nakatitiyak ang ahensya na walang dapat ipangamba ang publiko.

“(May dapat po bang ikabahala) wala po. Even positive, mas lalo kung negative ay okay. Kung positive naman,  meron na tayong all over the country naka in place na yong qarantine and food safety measures. “ ani Department of Agriculture Secretary William Dar.

Kinumpirma rin ng opisyal na may 5 areas sa bansa na nasa ilalim ng quarantine subalit tumanggi na itong isapubliko upang maiwasang maapektuhan ang hog industry.

Samantala, nag-imbita naman si Secretary Dar sa isang boodle fight upang ipakita sa publikong walang dapat ipangamba sa karne ng baboy.

“Sa friday, we are inviting you mga barbecue, igado, whatever, luluto po tayo para lahat kayo ay mabubusog, walang delikado sa karne ng baboy.” ani Agriculture Secretary William Dar.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: