Customs intelligence chief, nagbitiw sa pwesto sa gitna ng drug smuggling controversy sa ahensya

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 2572

Nagbitiw na sa pwesto ang Director ng Intelligence and Investigation Service ng Bureau of Customs na si Neil Anthony Estrella. Ito ay sa gitna ng kontobersya kaugnay ng umano’y nakalusot sa boc na 6.4 billion pesos na halaga ng shabu mula sa China.

Ayon sa kanyang resignation letter na ipinadala sa Malakanyang sa pamamagitan ng opisina ni Commissioner Nicanor Faeldon, sinabi ni Estrella na dahil sa ‘delicadeza’ kaya siya nagresign.

Dagdag pa nito, hindi na niya magagampanan ang kanyang tungkulin sa paraang nais niya dahil nakompromiso na ang ‘sensitivity at methodology’ ng kanyang opisina dahil sa publicity.

Umaasa umano ito na sa pamamagitan ng kanyang pagreresign ay mabibigyan ng daan ang isang patas na imbestigasyon sa kamara at senado sa isyu na bumabalot sa kagawaran.

 

 

Tags: , ,