Customs Commissioner John Sevilla, nagbitiw na sa pwesto

by dennis | April 23, 2015 (Thursday) | 1721
Si resigned Customs Commissioner John Phillip Sevilla
Si resigned Customs Commissioner John Phillip Sevilla

Nagbitiw na sa kanyang pwesto bilang commissioner ng Bureau of Customs si John Philip Sevilla.

Ayon kay Sevilla, bunsod ng political pressure na kanyang natatanggap dahil na rin sa nalalapit na 2016 elections, minabuti nitong magresign sa tungkulin dahil hindi siya isang ‘political person’.

Ikinalungkot ni Sevilla na hindi na niya maitutuloy ang nasimulang reporma sa ahensya para mabawasan ang korapsyon at mapataas ang koleksyon ng ahensya.

Si Sevilla ay unang nanungkulan bilang Finance Undersecretary for the Corporate Affairs Group and Privatization ng Department of Finance bago ito naitalaga sa pwesto bilang BOC chief ni Pangulon Noynoy Aquino noong Disyembre 2013.

Tags: , , ,