Curfew hours sa Metro Manila, plano nang alisin ng MMDA

by Radyo La Verdad | November 2, 2021 (Tuesday) | 7807

Pinag-uusapan na ng Metro Manila Mayors ang pag-aalis ng curfew hours sa National Capital Region.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, inaasahang maglalabas sila ng resolusyon sa magkaroon ng iisang polisiya sa mga susunod na araw.

Sakaling matuloy ang pagluluwag, isa sa mga suhestyon ng MMDA ang pagpapalawig ng mall hours sa Metro Manila. Mula sa kasalukuyang 10am hanggang 8pm na mall hours, iminumungkahi ng MMDA na gawin itong 11am hanggang 11pm o hanggang alas dose ng hating gabi.

Hindi rin papayagan ang weekday sale. Sa halip ay tuwing sabado at linggo lamang maaring magsagawa ng mall sale.

Nakausap na anila ang mga mall owner, kung saan pumayag ang mga ito na i-extended ang oras ng kanilang operasyon.

Nauna na rin sinabi ng grupo ng mga negosyante na umaasa silang ibababa na sa alert level 2 ang NCR pagkatapos ng November 15 upang makabawi ang kanilang mga negosyo lalo’t nalalapit na ang holiday season.

“Dito sa NCR okay naman ang 60 percent for now pero yung pagbugso ng benta, pag christmas talagang bumubugso yan ng november 15 all the way to the end of the year, so okay na rin sa kanila basta hindi pwedeng lumagpas dyan sa November 15,” ani Sec. Joey Concepcion

Presidential Adviser for Entrepreneurship.

Sa kabila ng planong pagluluwag sa mga restriction muling iginiit ng mmda na mahalaga pa rin na palaging masunod ang minimum public health standards upang magtuloy-tuloy na economic recovery ng bansa lalo na ngayong holiday season.

JP Nuñez | UNTV News

Tags: , ,