Cudia,muling dumulog sa Korte Suprema

by Radyo La Verdad | July 17, 2015 (Friday) | 1122

supreme court
Muling dumulog sa korte suprema si dating Philippine Military Academy Cadet First class Aldrin Jeff Cudia upang hilingin na pahintulutan siyang maka-graduate.

Batay sa inihaing mosyon ni Cudia, hiniling nito na mabaligtad ang naunang ruling ng korte suprema nagpapatibay sa pagkakatanggal niya sa akademiya dahil sa pagsisinungaling.

Nais ni Cudia na maideklara siyang graduate ng PMA at makuha ang kanyang diploma at transcript of records upang makapagpatuloy ito ng pag-aaral at kumuha ng bagong kurso.

Kamakailan, kumuha at nakapasa si Cudia sa qualifying exam ng University of the Philippines College of Law ngunit hindi ito makapag-enroll dahil sa kakulangan ng diploma at transcript of records.