Crime rate sa Central Luzon, bumaba ngayong holiday season – PRO-3

by Radyo La Verdad | December 31, 2015 (Thursday) | 1297

Lacadin
Ipinagmalaki ng Police Regional Office Three ang pagbaba ng krimen sa Central Luzon ngayong taon.

Ayon kay Regional Director Police Chief Superintendent Rudy Lacadin, lalo pang bumaba ang crime rate ngayon holiday season dahil sa pakikipagtulungan ng komunidad sa ahensya.

Malaking tulong sa PNP ang kooperasyon ng mamamayan sa pagpigil sa mga masasamang loob sa tangkang panggugulo at panloloko sa kapuwa.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,