Nagdeklara ng unilateral ceasefire ang Communist Party of the Philippines (CPP).
Epektibo ang idineklarang unilateral ceasefire, alas dose uno ng hatinggabi sa ika-24 hanggang ika-26 ng Disyembre at alas dose uno ng hatinggabi sa ika-31 ng Disyembre hanggang ika-1 ng Enero.
Batay sa pahayag ng CPP, sa panahon na umiiral ang ceasfire, lahat ng unit ng New People’s Army (NPA) ay hindi magsasagawa ng opensiba laban sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Subalit nanindigan si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi magdedeklara ng tigil-putukan laban sa mga komunista ang pamahalaan.
Tags: AFP, CPP, unilteral ceasefire