COVID-19 wave sa Pilipinas, posible pang umabot ng ‘Ber’ months – Octa

by Radyo La Verdad | August 9, 2022 (Tuesday) | 7630

METRO MANILA – Nakararanas ngayon ng ‘prolonged’ COVID-19 wave ang Pilipinas.

Ayon kay Octa Research Fellow Guido David, mas matagal kaysa sa inaasahan nila ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa bansa.

Aniya posible pang umabot ng ‘Ber’ months ang nararasang COVID-19 wave

Paliwanag ni Dr david, maaaring dahilan ng pagtaas ng mga kaso ang detection ng BA.2.75 o Centaurus variant sa Pilipinas na sinasabing mas mabilis makahawa kumpara sa ibang variant.

Bukod dito, ang paghina ng immunity mula sa bakuna dahil sa mababang bilang ng mga indibidwal na nagpapaturok ng COVID-19 booster dose.

Paalala naman ng mga health expert na mahalaga pa rin na ipagpatuloy ang pagsunod sa public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at hand hygiene.

(JP Nunez | UNTV News)

Tags: ,