COVID-19 Vaccine Trials na tututok sa Special Population, High Risk Groups at iba pa, prayoridad ng Pilipinas – DOST

by Erika Endraca | October 6, 2021 (Wednesday) | 8686

METRO MANILA – Lilimitahan na lang ng Pilipinas ang mga tatanggaping COVID-19 vaccine clinical trials.

Ang tatanggapin na lang ay ang mga vaccine trial na tututok lang sa special population at mga bagong platforms o paraan sa administration ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay DOST Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Dr Jaime Montoya, ito ang kanilang pagtutunan ng pansin sa mga isasagawa pang clinical trial phase 3 sa Pilipinas.

Aprubado aniya ito ng Inter- Agency Task Force.

Paliwang ni Dr Montoya, marami na rin kasi ang isinasagawang clinical trials sa bansa na ang target ay ang general population

“Hindi na tayo masyadong tatanggap ng trials that will look at the usual age population. What we are going to prioritize are the trails that will look at the special population, children, high risk groups, healthxare workers and also the new generation vaccines that have been developed to address the new variants” ani DOST – PCHRD Executive Director, Dr Jaime Montoya.

Ayon sa DOST, ang mga bagong platforms ay iba sa mga COVID-19 vaccines na pangkaraniwang ginagamit sa bansa.

Gaya halimbawa ng DNA vaccines na ginagamit sa India at kasalukyan nasa phase 3 trials na rin.

Isa itong bakuna na dumadaan sa balat nguni’t hindi na kailangan ng syringe.

Dinevelop ito ng india- based healthcare na Zydus Cadilla.

“Hindi na ito mga mrna for example, dna vaccines is one, isa ‘yan sa titingnan. Number two is route of administration. May bakuna na titingnan, hindi na by injection” ani DOST – PCHRD Executive Director, Dr Jaime Montoya.

Walong kumpanya ang kasalukyang aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) na magsagawa ng clinical trial sa Pilipinas para sa adult population.

Kabilang dito ang IP Biotech company, Janssen vaccines & prevention, Clover Biopharmaceuticals, DOH/WHO solidarity vaccine trial at Inovio Pharmaceuticals.

Habang anim naman ang ine- evaluate pa ang aplikasyon sa FDA.

Samantala, tuloy- tuloy ang negosasyon ng DOST sa 2 local pharmaceutical companies para makapag- produce ng mga bakuna dito sa Pilipinas.

Nguni’t dahil marami ang kailangang ihanda para maisulong ang vaccine self- sufficiency sa Pilipinas…

Maaaring masimulan ang local production ng mga bakuna pagpasok pa ng taong 2024 o 2025.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,