COVID-19 Recovery Plan, target na maibalangkas ng NEDA sa katapusan ng Abril

by Erika Endraca | April 23, 2020 (Thursday) | 8477

METRO MANILA, Target ng National Economic And Development Authority o NEDA na maibalangkas na sa katapusan ng Abril ang COVID-19 recovery plan.

Ayon kay NEDA Secretary Karl Kendrick Chua, kinakailangan nilang malaman kung gaano kalala ang epekto ng krisis sa ekonomiya at iba’t ibang sektor sa bansa upang makapagbalangkas ng isang komprehensibong recovery plan.

Magkakaroon din aniya ng mas malaking survey para rito bukod sa kanilang ginagawang consumer at business surveys.

“By the end of the month, malalaman na natin ang impact or ang total effect ng ating virus problem. at base diyan, kung may evidence na tayo, ay makakapagc-craft po tayo ng maganda at angkop na recovery plan.”ani NEDA Secretary Karl Kendrick Chua.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,