COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang tumaas; muling pagsusuot ng face shield, hindi pa inirerekomenda – Octa Research

by Radyo La Verdad | December 27, 2021 (Monday) | 7222

METRO MANILA – Batay sa monitoring ng Octa Research Team, nakitaan ng pagtaas ng positivity rate ang Metro Manila nitong nakalipas na December 16- 22 na umabot sa 0.77, Kumpara sa 0.62 na naitala noong December 12- 18.

Mula sa 0.42 noong December 15, tumaas sa 0.70 ang COVID-19 reproduction rate.

Ibig sabihin ng mga datos na ito na may bahagyang pagtaas ng kaso at hawaan ng COVID-19 sa NCR.

Paliwanag ni octa Research Fellow Prof Guido David, posibleng ito ay dulot ng paggalaw ng tao ngayong holiday season.

“It was kind of expected in fact maraming nagsasabi na magkakaroong ng holiday uptick it’s a genuine increase kasi the reproduction increase we are seeing an increase sa NCR pero it could be due to the increased mobility and gatherings during the holiday” ani Octa Research Fellow, Prof Guido David.

Nilinaw naman ni Prof David na masyado pang maaga para sabihing dahil sa Omicron variant kaya may bahagyang pagtaas ng kaso sa rehiyon.

Kailangan pa nilang obserbahan ang sitwasyon sa bansa sa mga susunod na linggo upang makapaglabas ng projection ng COVID-19 cases sa Metro Manila at sa buong bansa

Kailangan pa rin aniyang obserbahan ang case trend sa rehiyon pagpasok ng january 2022 lalo na kung aabot ito ng mahigit 500 kaso kada araw

Sa ngayon, dahil wala namang surge ng mga kaso hinid inirerekomenda ng Octa ang muling pagsusuot ng face shield

“We just have to follow minimum public health standards, wear face mask iyon naman ang mahalaga.. Face shields maybe kung magakroon ng surge maybe pwedeng pag- usapan. At this time, hindi pa naman necessary, pero if people want to wear face shield voluntarily siyempre it’s their choice” ani Octa Research Fellow, Prof Guido David.

Kasabay ng pagdami ng mga taong lumalabas at nagpupunta sa mga pampublikong lugar gaya ng mall, parke at mga kainan

Muling nagpaalala ang mga health expert sa publiko na maging responsable at sumunod palagi sa minimum health standard.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagkaroon ng surge ng COVID Cases sa unang bahagi ng taong 2022.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,