Cortes, Surigao del Sur at Tabina, Zamboanga del Sur, niyanig ngayong umaga

by Radyo La Verdad | August 7, 2018 (Tuesday) | 4991

Niyanig ng 3.2 magnitude na lindol ang bayan ng Cortes Surigao del Sur kaninang alas sais trentay uno ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig anim na kilometro hilaga ng Cortes Surigao del Sur at may lalim na 52 kilometers.

Samantala, nakaranas naman ng 4.4 magnitude na lindol ang Tabina, Zamboanga del Sur kaninang alas sais disi otso kaninang umaga.

Nasa 17 kilometers timog-silangan ng Tabina nag-epicenter ng lindol at may lalim na sampung kilometro.

Ayon sa Phivolcs, kapwa tectonic ang sanhi ng lindol.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,