Consular operations ng DFA sa bansa, suspendido ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 1570

dfa
Pansamantalang suspendido ng anim na araw ang Consular services ng Department of Foreign Affairs sa DFA Consular Affairs – Aseana, lahat ng DFA Satellite Offices sa Metro Manila at Regional Offices ngayong holiday season.

Ibig sabihin wala munang passport processing, authentication, consular civil registration at iba pang kahalintulad na serbisyo sa December 24 hanggang 25, December 30 hanggang January 2, 2016

Para sa mga katanungan maaring mag email sa passportconcerns@dfa.gov.ph, authentication.verification@dfa.gov.ph at records-director@oca.dfa.gov.ph.

Tags: , , ,