Consular operation ng DFA sa Metro Manila, suspindido sa Nov 17-20 dahil sa APEC Summit

by Radyo La Verdad | November 6, 2015 (Friday) | 1551

dfa
Pansamantalang isasara ng Department of Foreign Affairs ang mga consular offices nito sa Metro Manila simula November 17 hanggang 20 upang bigyang daan ang gaganaping APEC Economic Leader’s meeting.

Sa loob ng apat na araw ay wala munang passport processing, authentication, Consular Civil Registration at iba pang kahalintulad na serbisyo.

Ayon sa DFA, tanging mga emergency consular needs lang ang kanilang tutugunan tulad ng:
Death of family member overseas
Urgent medical procedures to be done overseas
Urgent contractual obligations overseas

Babalik sa normal ang operasyon ng office of consular affairs sa November 21.

Para sa mga katanungan maaring mag email sa mga sumusunod:
passportconcerns@dfa.gov.ph
authentication.verification@dga.gov.ph
atn.unofficial@gmail.com

Tags: , , , ,