ConCom, ipinanukala ang pagtatatag ng federation competition body sa bagong konstitusyon

by Radyo La Verdad | May 9, 2018 (Wednesday) | 1451

Ang pagtatatag ng isang federal competition body ang isa sa  ipinanukala na dapat mapaloob sa bagong konstitusyon.

Ayon kay Consultative Committee-Subcom on Economic Reforms Chairman Arthur Aguilar, ang competition body na ito ang magbabantay laban sa mga magsasamantala, sakaling paluwagin ng Pilipinas ang foreign ownership provision sa ilalim ng 1987 Constitution.

Sa ilalim ng probisyon na ito, pinapayagan ang dayuhan na magmayari ng 40 percent ng isang negosyo sa bansa. Mas palalakasin ang kapangyarihan ng nasabing competition authority kumpara sa kasalukuyang Philippine Competition Commission na nilikha lamang ng isang batas.

Mapasasailalim ang naturang constitutional body sa federal government. Nangangahulugan na hindi maaaring pakialaman ng mga federal state ang kapangyarihan ng federal competition authority na labanan ang monopolya.

Sa ngayon ay patuloy pang pinag-aaralan ng subcom ang ilang economic provisions na dapat mabago sa kasalukuyang konstitusyon.

Kabilang na dito ang kontrobersyal na 60-40 percent foreign ownership provision.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,