Complainant ng impeachment complaint vs Chair Bautista magsusumite ng bagong verification documents

by Radyo La Verdad | September 15, 2017 (Friday) | 1499

Magsusumite ng bagong verification document ang mga complainant ng impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista na sina Atty. Ferdinand Topacio at dating Congressman Jacinto Paras.

Ito ay upang hindi magaya sa reklamo ng VACC at Vanguard laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dinismiss ng House Committee on Justice dahil mali ang mga nakasaad sa verification nito.

Subalit ayon kay House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali, pag-aaralan nila kung tatanggapin pa nila ang bagong verification. Ayaw umano nilang maging bias sa mga complainant.

Sa Lunes nakatakda nang dinggin ng Justice Comittee ang reklamo laban kay COMELEC Chairman Andress Bautista.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,