Committee report sa Farm Tourism bill, inindorso na ni Sen. Villar sa Plenary level

by Radyo La Verdad | December 2, 2015 (Wednesday) | 1202

BRYAN_SEN.VILLAR
Inindorso na kahapon sa Plenaryo ni Senator Cynthia Villar, Chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food ang committee report sa Farm Tourism bill.

Ang nasabing panukalang batas ay maglalaan ng malinaw na batas, maayos na buwis at sistema sa insentibo o benepisyo sa farm tourism sa bansa.

Sa kaniyang sponsorship speech, sinabi ni Senator Villar na ang Pilipinas ay biniyayaan na maging agricultural country na may mayamang likas na yaman,biological diversity at cultural heritage.

Sa pamamagitan din ng naturang bill ay mas mapalalawig ang aktibidad ng mga local farm tourism practitioners and operators at mas makapaghihikayat din ng mga panauhin upang maglakbay sa farm areas para sa educational at recreational purposes.

Tags: , , ,