Committee Report ng Senado sa Mamasapano probe, may mga dapat pang amyendahan ayon kay Sen. Bam Aquino

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 941
IMAGE_UNTV-NEWS_07092014_SENADOR-BAM-AQUINO-205x120

Photo credit: UNTV News

 

Ipinahayag  ni Senador Bam Aquino na may mga dapat pang amyendahan sa Committee Report ng Senado sa Mamasapano probe.

Ayon kay Aquino, lumagda sya sa Committee report ng may reserbasyon at  may intensyonrin na magpanukala ng pag-amyenda sa Mamasapano incident Senate Committee Report.

Kabilang dito ang ilang impormasyon na maituturing na lampas na sa saklaw ng pagdinig ng komite ni Senator Grace Poe.

Tulad ng pagtalakay sa Committee Report ng isyu ng peace process, aksyon ng Government Peace Panel at Bangsamoro Basic Law.

Nagpadala na ng sulat si Senador  Aquino kay Senator  Poe, Chairperson ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs upang amyendahan at klaruhin ang ilang bagay sa report ng  kanyang komite. ( Bryan de Paz, UNTV News Worldwide )

Tags: ,