Comelec, walang naitalang untoward incidents sa unang araw ng paghahain ng COC

by Radyo La Verdad | October 12, 2018 (Friday) | 2701

Maituturing na tagumpay ng Commission on Elections (Comelec) ang unang araw ng filing of certificate of candidacy (COC) kahapon.

Ayon kay Comelec Spokesperson Director James Jimenez, wala naitakang untoward incidents sa mga local Comelec offices sa bansa.

Sa ngayon, dito pa lamang sa Comelec Central Office ay may bilang ng mga senatorial candidates na nakapaghain ng COC na may kabuoang 27. Nililikom pa ng poll body ang mga ulat mula sa regional at Comelec local offices sa isinagawang first day ng COC filing kahapon.

Kapansin-pansin din kahapon ang mga naghain ng COC na para sa ilan na walang kakayahan kumandidato, ayon sa Comelec hindi naman agad-agad nila maidedeklera na nuisance candidates ang sinomang gustong kumandidato.

Ayon sa Comelec, hangga’t hindi pa tapos ang paghahain ng COC ay hindi pa mabubusisi ng Comelec ang mga inihaing COC.

Batay sa Omnibus Election Code (OEC), limang araw pagkatapos ng COC filing ay maaring maghain ng isang verified petition ang Comelec kung ang isang kandidato ay nuisance.

Nakasaad sa OEC na ituturing na nuisance ang isang kadidato kapag napatunayan na pinaglalaruan lamang nito ang election process, ang pangalan na ginamit ay kaparehas ng isang kandidato upang bumuo ng kalituhan at hindi siniseryoso ang COC filing o upang manuya lang.

Mabibigyan naman ng pagkakataon ang mga kandidato na patunayang may kakayahan silang tumakbo sa isang national position bago magdesisyon ang Comelec kung sila ay madidiskwalipika.

Nguni’t paalala ng Comelec sa mga nais kumandidato, kung hindi seryoso sa pagtakbo at pangangampanya para sa isang government post huwag nang maghain pa ng COC.

Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, seryosong bagay ang election process at ng halalan mismo kaya dapat na hindi ito gawing biro o upang makahikayat ng likers sa social media.

Pangalawang araw na ngayo ng COC filing kaya naman nagpapaalala pa rin ang Comelec sa mga nais kumandidato na dahlhin ang na-fill out na official forms ng COC upang hindi na maantala.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,