Comelec umaasang mapupunan na ang mga bakanteng pwesto sa komisyon

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1647

IMAGE__101512__UNTV-News__COMELEC-logo2

Matapos italaga ni Pangulong Aquino si Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Michael Aguinaldo bilang bagong Chairman ng Commission on Audit, umaasa naman ang Comelec na isusunod nang papangalanan ang Chairman naman ng Comelec.

February-2 nang magretiro bilang Comelec Chairman si Sixto Brillantes Jr.at kasabay niyang nagtapos ang termino sina Commissioner Lucenito Tagle at Elias Yusoph.

Sa ngayon, magdadalawang buwan nang bakante ang tatlong posisyon sa 7- man Comelec en banc.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, bagama’t walang malaking impact sa trabaho ng komisyon ang kakulangan ng commissioners, mas makabubuti pa rin na kumpleto ang en banc.

Sa kasalukuyang sitwasyon kailangang iisa ang boto ng 4 na commissioner upang pumasa ang isang panukala.

At dahil kulang ng 3 ang en banc, kulang din ng tig isang commissioner ang dalawang dibisyon ng Comelec na dumidinig sa mga election case.

Sa ngayon tig dadalawang commissioner lang ang umuupo sa 1st and 2nd division. ( Victor Cosare / UNTV News Senior Correspondent)

Tags: , ,