Comelec, umaasa na marersolba ang problema sa transparency server ngayong Martes ng umaga

by Erika Endraca | May 14, 2019 (Tuesday) | 2244

Manila, Philippines – Malalaman natin ngayong umaga kung may development na sa naging problema sa program ng transprency server na nagbabato ng election results .

Sa ulat ng Comission on Election (COMELEC) kagabi May 13, may nakitang problema sa program ng data na nagbabato ng election results sa media transparency server, sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at sa natatanggap na transmission sa Picc .

Nagsumite na aniya ng request sa comelec en banc upang mabuksan ang data at makita kung may problema sa error logs at masolusyunan ito.

Nakatanggap na rin aniya ng nga reklamo ang comelec mula sa ilang pulitiko kung bakit mbagal ang usad ng transmission ng election resuls.

Nilinaw naman ng comelec na wala namang problema sa transmission kundi sa pagkaantala ng bato ng transparency server ng election results

Makikita ang mga uploaded election results sa https://2019electionresults.comelec.gov.ph.

Samantala, mamayanag 10am ng umaga magbibigya ng update ang comelec . Mamayang 1pm ng hapon naman ang pag-reconvene ng national board of canvassers para sa pagpapatuloy ng canvassing

(Aiko Miguel | Untv News)

Tags: , ,