Comelec, pinayuhan ang mga tatakbo sa 2022 elections na huwag nang hintayin ang last day ng COC filing

by Erika Endraca | October 6, 2021 (Wednesday) | 4681

METRO MANILA – Inaasahan na ng Commission on Elections na habang papalapit ang huling araw ng paghahain ng kandidatura ay mas dadagsain ang ang filing area sa ibat ibang panig ng bansa.

Kaya ang paalala ng Comelec sa mga nagbabalak na sumabak sa halalan na huwag nang hintayin ang huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) para iwas aberya.

“I would like to convince those who will file their coc you have tomorrow Wednesday, you have Thursday, mag avoid po natin na magkumpol kumpol sa Friday what if dumating kayo kulang mga requirements, mali ang COC niyo o mali yung mga supporting documents you have time to go back and fix it” ani Comelec Comm. Antonio Kho.

Naginspeksyon naman kahapon (October 5) sa harbor garden tent Sofitel Manila si PNP Chief General Guillermo Eleazar bilang paghahanda na rin sa nalalabing araw bago matapos coc at CONA filing.

Ayon kay Eleazar, naging mapayapa naman ang pagdadaos ng paghahain ng kandidatura sa mga nakaraang araw.

“For the past 4 days including ngayon general peaceful hindi lamang sa harbor tent area but including places outside this area and for that matter the whole of the Philippines so far is the first parang political exercise” ani PNP Chief, PGen Guillermo Eleazar.

Aabot sa mahigit 500 tauhan ng Philippine National Police ang itinalagang magbantay ng seguridad sa paligid ng filing area sa Pasay City.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,