Nanawagan naman ang COMELEC Local Office sa media na iwasang maglabas agad ng resulta ng eleksyon.
Muli rin nilang pina-alalahanan ang media sa mga dapat at hindi dapat gawin sa araw ng halalan.
Iniulat rin ng COMELEC-Bacolod na dumating na sa probinsya ang unang batch ng vote-counting machines at inaasahang makukumpleto ang delivery nito ngayong linggo.
Sa May-6 naman sila magsasagawa ng final testing at sealing sa mga makina sa bawat clustered precincts sa rehiyon.
(Primrose Guilaran / UNTV Correspondent)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com