COMELEC, nagpaalala sa mga kandidato na hanggang sa June 13 na lang ang pagsusumite ng SOCE

by Radyo La Verdad | June 4, 2019 (Tuesday) | 21457

METRO MANILA, Philippines – Nakasaad sa Republic Act 7166 o ang Synchronized National and Local Elections and For Electoral Reforms lahat ng naghain ng kanilang Certificate of Candidacy o COC ay obligadong magsumite ng Statement of Contributions and Expenditures  sa COMELEC.

Kailangang makapagsumite ng SOCE ang mga nanalo o natalong kandidato hanggang June 13 o 30 araw pagkatapos ng halalan.

Ang SOCE ay isa sa pagbabatayan kung sumobra sa gastos sa pangangampanya ang isang kandidato. Kapag nag-overspend ang isang nanalong kandidato maaari siyang madiskwalipika.

Pero paglilinaw ng poll body hindi kailangang isama sa isusumiteng SOCE ang commercial ng pasasalamat ng mga nanalong kandidato. Hindi na aniya saklaw ng COMELEC rules at wala aniyang batas kaugnay sa gastos ng nanalong kandidato pagkatapos ng halalan.

“Hindi kasama sa SOCE iyon. Tapos na kasi iyong period for monitoring, iyong period of monitoring natin goes all the way up to elecion day only. Hindi siya ok pero hindi na siya sisitahin sa SOCE,” ani COMELEC Spokesman Director James Jimenez.

Kahit holiday bukas, June 5, tatanggapin pa rin ng COMELEC ang mga isusumiteng SOCE. Kailangang personal itong isumite ng kandidato. Kasama sa SOCE ang gastos sa online ads.

“Oo pumapasok kami kasi marami tayo trabaho especially post elections and remember we’re also preparing for the Barangay Elections and then we’re not just preparing for the Barangay Elections. We’re also preparing for the 2022 Elections,” ayon kay Jimenez.

Samantala, wala pa aniyang desisyon ang COMELEC kung gagamitin ang Voter Registration Verification System sa susunod na halalan.

“The decision point there is to buy or not buy into the system. We are looking to see if the system is something we can use for 2022. Now you have to distinguish between the actual devices used and the technology, that’s the basis for the whole idea. Do we go on with this idea or do we not,” dagdag ni Jimenez.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,