COMELEC, muling magbubukas ng Satelite Registration Booths sa ilang Malls sa bansa

by Erika Endraca | September 6, 2019 (Friday) | 18325

MANILA, Philippines – Muling lalagyan ng Satelite Registration Booths ng Commission on Elections (COMELEC) ang 52 Robinsons Mall sa bansa.

Magbubukas ang mga ito tuwing weekend mula 8:00am hanggang 5:pm upang tumanggap ng mga botanteng magpaparehistro.

“Anong impact na mall registration we think tataas iyan by at least 50%.” ani COMELEC Spokesperson, Director James Jimenez.

Ngayong linggo iaanunsyo ng COMELEC kung kailan magbubukas ang mga registration booth sa mga mall. Samantala, tuloy naman ang preparasyon ng COMELEC sa 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections kahit pa gusto itong ipagpaliban ng pangulo.

“Kung hindi siya matutuloy most likely magpap-register pa kami ulit. Kung matutuloy hanggang Sept. 30 lang kami because aayusin mo pa iyong listahan ng mga botante, iyong clustering ng precincts.” ani COMELEC Chairman, Sheriff Abas.

Sa ngayon, wala pang naipapasang batas upang ipagpaliban ang barangay sa Sk elections sa mayo ng susunod na taon.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,