Comelec, mamimigay ulit ng voter’s IDs pero uunahin ang Filipino overseas

by Radyo La Verdad | February 8, 2024 (Thursday) | 6569

METRO MANILA – Target ng Commission on Elections (COMELEC) na muling masimulan ang pamamahagi ng voter’s ID para sa mga rehistradong botante.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, tatalakayin pa nila ito sa En Banc Session at posibleng bago matapos ang taon ay masisimulan na ito.

Pero, uunahin aniya nilang bigyan ang ating mga kababayan na nasa ibang bansa o ang overseas Filipinos.

Makakatulong ito sa kanila dahil isang valid ID ang voter’s ID.

Tags: ,