Sa isinagawang hearing ng House Commitee on Suffrage and Electoral Reforms kaninang umaga, irerekomenda umano ni COMELEC Commissioner Arthur Lim ang pag-extend ng registration sa mg lugar na tinamaan ng bagyong Lando.
Subalit nilinaw nito sa paguumpisa ng pagdinig na hindi na magbibigay ang COMELEC ng extension ng voter’s registartion period.
Samantala, hindi naman sang-ayon si House Commitee on Suffrage Chairman Fredenil Castro na magkaroon ng extension ang voter registration dahil nabigyan na umano sila ng sapat na panahon upang magparehistro at magawa ang isa sa mga tungkulin nila bilang mamamayan ng bansa.
Sa ngayon ay nananatiling sa Sabado, October 31 ang deadline ng voter’s registration.(Aiko Miguel/UNTV Radio Correspondent)
Tags: bagyong Lando, COMELEC Commissioner Arthur Lim, Commissioner Arthur Lim, House Commitee on Suffrage and Electoral Reforms