COMELEC Chairman Andres Bautista, pormal nang bumaba sa pwesto

by Radyo La Verdad | October 24, 2017 (Tuesday) | 5730

Kinumpirma kagabi ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista na effective immediately na ang kanyang pagbitiw sa puwesto, ito ay matapos na matanggap niya ang liham mula sa Office of the Executive Secretary na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbitiw sa pwesto.

Matatandaan na batay sa kanyang sulat, sinabi ni Bautista na epektibo ang kanyang resignation hanggang December 31 ng taong kasalukuyan. Pero batay sa sagot na ipinaabot ni Executive Sec. Salvador Medialdea, October 23, 2017 maaring manatili sa puwesto si Bautista.

Tinanggap naman ni Bautista ang desisyon ng Malacañang at naging mixed feelings ito sa nangyari sa kanya. Nag-ikot din ito opisina ng COMELEC upang makapagpaalam sa mga kasama niya sa trabaho.

Ikinagulat at ikinalungot namang ng ilan niyang mga kasamahan sa trabaho ang agaran nitong pag-alis sa puwesto.

Sa ngayon, hinihintay pa ang desisyon ng EnBanc kung sinong aaktong COMELEC Chairman kapalit niya pansamantala habang  wala pang naitatalaga si Pangulong Duterte na papalit sa kanyang puwesto.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,