Cleveland Cavaliers, nakauwi na matapos maagaw ang kampeonato ng 2016 NBA Finals

by Radyo La Verdad | June 21, 2016 (Tuesday) | 17007
Cleveland Cavaliers Kyrie Irving, LeBron James, Kevin Love, JR Smith and Tristan Thompson arrive home in in Cleveland, Ohio, U.S.A.(REUTERS)
Cleveland Cavaliers Kyrie Irving, LeBron James, Kevin Love, JR Smith and Tristan Thompson arrive home in in Cleveland, Ohio, U.S.A.(REUTERS)

Lalong naghiyawan ang mga fans ng Cavaliers nang lumabas na ang kanilang hari, ang finals MVP na si LeBron James.

Hawak ang NBA championship trophy, na kaniyang ipinangako sa matagal nang nagdurusang fans, lumabas si james ng eroplano suot ang ultimate warrior t-shirt.

Sinabayan pa ng MVP cheer ng fans.

Kahapon nga ay tinuldukan na ng Cleveland ang limamput dalawang taong pagkauhaw sa NBA championship nang talunin sa dikitang laban, 93-89 ang Golden State Warriors.

Tinaguriang the greatest finals comeback sa kasaysayan ng NBA, ang Cleveland Cavaliers ang kauna-unahang team na nakabangon mula sa 3-1 series deficit.

Inangat ni James ang Cavs sa pamamagitan triple double performance 27 points, 11 rebounds, 11 assists.

Nag-ambag din si Kyrie Irving ng 26 points, 6 rebounds at 1 assists kabilang na ang importanteng 3 point shot na nagpaguho sa pagasa ng warriors.

(Jun Soriao / UNTV Correspondent)

Tags: ,