Cleveland Cavaliers, asam ang no.2 seed sa NBA playoffs

by dennis | April 7, 2015 (Tuesday) | 1036
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Abot kamay na ng Cleveland Cavaliers ang Central Division crown sa National Basketball Association (NBA).

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Cavaliers para makuha nila ang potensyal na ika-apat na division title na huli nilang nakuha noong 2009-2010 season bago noon lumipat si Lebron James sa Miami Heat.

Inaasahan rin na makukuha nila ang no.2 seed sa Eastern Conference playoffs. Pero ayon kay James, goal pa rin nila ngayong season ang makuha ang NBA championship na pinakaaasam nilang lahat.

Ang Cavs ay umaarangkada ngayon sa kanilang 7-1 win-loss run kung saan anim sa mga panalo nito ay laban sa mga playoff bound team.

Susunod na kalaban ng Cavs ang Milwaukee Bucks.

Tags: , , ,