Cleaveland Cavaliers, wagi sa Game 6 ng NBA Finals

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 2131

NBA-GAME6
Naipwersa ng Cleaveland Cavaliers ang winner take all match Game 7 matapos talunin ang Golden State Warriors sa score na 101-115 sa game six kanina sa quicken loans arena.

Pinangunahan ni LeBron James ang Cavaliers na kumamada ng 41 points 8 rebounds 11 assist, 4 na steals at 3 blocks.

Ito na ang ikalimang pagkakataon na nakapagtala ng 40 points si LeBron sa kaniyang finals career.

Nag ambag naman si Kyrie Irving ng 23 points, 4 rebounds at 3 assist.

Umiskor naman si Stephen Curry ng 30 points, 2 rebounds at isang assist na na-fouled out sa last 4 mins and 22 seconds ng laban matapos tawagan ng technical foul.

Ito ang unang pagkakataon na na-eject si Curry sa ballgame sa kasaysayan ng kaniyang basketball career.

Ito rin ang unang pagkakataon na nagka back to back victory sa championship series ang Cavaliers.

Gaganapin ang Game 7 sa Lunes sa home court ng warriors sa Oracle arena sa San Francisco.

Tags: , ,