Clearing operations, isasagawa rin ng MMDA sa iba pang lugar sa Metro Manila

by Radyo La Verdad | April 24, 2017 (Monday) | 3118


Magsasagawa ng clearing operations sa iba pang congested area sa Metro Manila ang MMDA.

Noong nakaraang linggo, unang isinaayos ng ahensya ang Baclaran Service Road sa Parañaque City.

Sunod naman sa listahan ng MMDA ang Balintawak at Cubao sa Quezon City at Quiapo, Maynila.

Ayon kay MMDA Officer-in-Charge Thomas Orbos, posibleng magsagawa rin ng clearing operation sa Guadalupe sa Makati City at sa Taft Avenue kabilang na ang Divisoria at radial 10 sa Maynila.

Ang mga apektadong sidewalk vendors ay ililipat sa lugar na hindi makakaabala sa trapiko.

Tags: , ,