CJ Sereno, binuweltahan ang uri ng pamamahala ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | May 3, 2018 (Thursday) | 4349

Aminado si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na hindi madaling kalabanin ang kasalukuyang administrasyon.

Aniya, kung pagbabatayan ang istilo nito sa pamamahala, malinaw na diktadurya ang pina-iiral ng kasalukuyang administrasyon.

Kaya sa kanyang pagdalo sa Regional Convention and Mandatory Continuing Legal Education ng Integrated Bar of the Philippines sa Clark Pampanga, muli nitong hinikayat ang mga abogado na huwag hayaang mawala o matapakan ang demokrasya sa bansa.

Sa huli ay muling iginiit ng chief justice na handa siyang harapin ang impeachment laban sa kanya.

Muli rin nitong hinamon ang Kamara na iakyat na sa Senado ang impeachment complaint.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

Tags: , ,