CIDG  Chief P/Dir. Benjamin Magalong, masama ang loob sa mga maling ulat kaugnay ng BOI report sa Mamasapano incident.  

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 922

IMAGE_UNTV-News_MAY142014_CIDG_Benjamin-Magalong

Inamin ni CIDG Chief at Board of Inquiry Chairman P/Dir. Benjamin Magalong na sumama ang loob nila sa maling ulat hinggil sa ukol sa imbestigasyon  ng pinamumunuan ng niyang Board of Inquiry sa Mamasapano operation.

Partikular na binanggit ni Magalong ang ulat nitong Myerkules na ipinahayag umano nitong walang pananagutan ang Pangulo o abswelto na ito sa Mamasapano incident matapos syang ipatawag at kausapin noong Martes.

Giit ng Heneral, ano man ang sinabi sa kanya ng Pangulo ay hindi na ito makakaapekto sa BOI report dahil tapos na at nailabas na nila ito sa publiko.

Sinabi pa ng pinuno ng BOI na naging napaka-transparent nila sa kanilang imbestigasyon kahit na nakasalalay ay ang kanilang mga career kaya’t masakit aniya sa kanya na lumalabas na ibinenta nya ang kanilang prinsipyo at sinira ang dignidad at integridad ng BOI at PNP.  ( Lea Ylagan , UNTV News Worldwide )

Tags: , ,