Chinese Gov’t, humingi na rin ng paumanhin hinggil sa Recto Bank Maritime Incident – Amb. Sta. Romana

by Erika Endraca | August 30, 2019 (Friday) | 9601

Inihayag ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana na ang ginawang paghingi ng public apology ng Chinese vessel owner na sangkot sa Recto Bank maritime incident noong June 9 ay resulta ng maigting na negosasyon sa pagitan ng Philippine at Chinese foreign ministry.

Inabot ng halos 3 buwan ang negosasyon bago naglabas ng public apology ng may-ari ng chinese vessel. Ang pilipinas ang humiling sa china na mag-issue ng public written apology ang may-ari ng Chinese boat. Pero ayon kay Sta. Romana maging ang Chinese government ay humingi na rin ng paumanhin dahil sa pangyayari

“Actually the chinese government through the foreign ministry has expressed their sorry about the incident through diplomatic channels already.” ani Philippine Ambassador to China Jose Santigago “Chito” Sta. Romana.

Sa usapin naman ng kompensasyon sa 22 Pilipinong mangingisdang naapektuhan ng Recto Bank maritime incident, ayon kay ambassador Sta. Romana, tiniyak ng China na ipagkakaloob ito sa mga mamamalakaya subalit dadaan sa mga proseso.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,