Chinese Ambassador Zhao, pagpapaliwanagin ng Malacañang kaugnay ng pagdaan ng Chinese Warships sa Sibutu Strait ng walang pahintulot ng pamahalaan

by Erika Endraca | August 16, 2019 (Friday) | 7256

MANILA, Philippines – Pagpapaliwanagin ng Malacañang si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua kaugnay ng pagdaan ng chinese warships sa Sibutu Straight sa Tawi-Tawi nang walang pahintulot ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, bubuksan niya ang isyu sa muli nilang pagkikita ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua.

“Then we will call their attention, the chinese ambassador invited me for a dinner one of these days and maybe i will raise that to him” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Itinuturing naman ng palasyo na paglabag ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea  (UNCLOS).

“Violation ng UNCLOS yan, kung dumaraan sa ating eez, i’m sure the DFA secretary will do something about that”ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panel.

Nakatakdang bumisita si Pangulong Duterte sa China ngayong buwan. At ayon sa palasyo, mananatili ang posisyon ng pangulong igiit ang arbitral ruling sa pagharap kay Chinese President Xi Jinping kahit nananatiling di ito kinikilala ng china.

“The president said nobody can control my words to our people, this is my duty as president. When he addresses the filipino people, nobody can stop him kung ano ang sasabihin niya”. ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panel.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,