Chief Justice Lucas Bersamin, humarap sa mga miyembro ng media isang buwan bago magretiro

by Radyo La Verdad | September 4, 2019 (Wednesday) | 98834
Photo: Supreme Court Twitter

Hihintayin ng Korte Suprema ang anumang petisyon mula sa sinomang partido na nagnanais kwestyunin ang legalidad ng pagpapatupad ng Republic Act Number 10952 o Good Conduct Time Allowance law.

Ayon kay SC Chief Justice Lucas Bersamin sa kaniyang pagharap sa media ngayong umaga, sinabi niya na maaaring tanggapin ito ng SC lalo na kung kumpleto sa requirements ang petisyon.

June 2019 nang magdesisyon ang Korte Suprema na dapat makinabang rin ang mga preso dito bago maisabatas ang GCTA.

Samantala, inulat na CJ Bersamin ang kaniyang mga prayoridad sa natitirang buwan ng kaniyang paglilingkod. Isa na rito ang pagtatayo ng mga imprastraktura para sa karagdagang korte. Kulang aniya talaga ngayon ang mga Court Houses.

Ayon kay Bersamin, isa sa nakikita niyang solusyon dito ay ang kooperasyon ng mga local government units. Inihalimbawa niya ang binigay na building ng Marikina City para maging court houses. Gayundin din ang Valenzuela City at ang Quezon City na nagtayo mismo ng sarili nitong building para sa judiciary.

Si CJ Bersamin ay nakatakdang magretiro sa October 18.

Tags: ,