Chicago Bulls, bigong masungkit ang panalo sa kabila ng pagbabalik ni Derrick Rose

by dennis | April 9, 2015 (Thursday) | 862
File photo: Reuters

File photo: Reuters

Nagbalik na sa active roster ng Chicago Bulls si Derrick Rose matapos makapagpagaling mula sa kanyang knee injury.

Si Rose ay hindi nakapaglaro ng 20 regular season games matapos sumailalim sa minor operation sa kanang tuhod noong February 27.

Sa kanyang pagbabalik sa hardcourt, umiskor lamang ito ng 9 points sa loob ng 19 na minuto at hindi na ito naglaro sa 4th quarter sa kanilang laban sa Orlando Magic.

Bigong talunin ng Bulls ang Magic sa score na 103 – 105.

Matatandaan noong nakaraang season halos hindi nakapaglaro si Rose dahil sa torn meniscus sa kanang tuhod at nagkaroon naman ito ng anterior cruciate ligament tear sa kaliwang tuhod sa pagsisimula ng 2012 playoffs.