Central France nalubog sa baha dahil sa ilang araw na tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 950

france-01
Napilitang lumikas ang mga residente sa Central France kahapon gamit ang mga bangka dahil sa pagbaha na naranasan sa lugar.

Samantalang ilang mga residente naman sa Challete-Sur-Loing at Montargis ang na-istranded sa upper floors ng kanilang mga bahay matapos umapaw ang Loing River dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa loob ng ilang araw.

Nasa tatlong libong bumbero ang dineploy sa France mula noong lunes at martes upang tumulong sa rescue operations sa mga lugar na lubog sa tubig baha.

(UNTV RADIO)

Tags: