Census o pagtatala sa kasalukuyang populasyon ng bansa, pinasimulan na ng Philippine Statistics Authority

by Radyo La Verdad | August 10, 2015 (Monday) | 6635

CENSUS
Nag-umpisa nang maglibot sa mga bahay ang mga enumerator o tagatala ng mahahalagang impormasyon mula sa mga usual na residente sa Pilipinas.

Usual na mga residenteng ituturing ang mga mamamayan na isang taon nang naninirahan sa bansa o may planong mamalagi rito ng higit sa isang taon pa kabilang na ang mga Foreign National.

Kasama rin sa ililista ang mga Overseas Filipino Worker na inaasahang babalik sa bansa sa loob ng limang taon.

Ito ang saklaw ng census o kasalukuyang bilang ng populasyon sa bansa

Ngayon ang ika-14 na census of population sa Pilipinas mula nang magkaroon ng unang census noong 1903.

2010 naman nang isagawa ang pinakahuling census kung kailan naitala ang 92.3 million na residente sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, base sa kanilang projection noon, tinatayang 101.6 million na ang populasyon sa bansa ngayong 2015.

Importanteng makuha ang tiyak na bilang ng populasyon sa bansa upang maibigay ng pamahalaan ang karampatang serbisyo sa mga mamamayan. (Rosalie Coz / UNTV News)

Tags: