Cebu City Mayor Labella, pumanaw na

by Radyo La Verdad | November 19, 2021 (Friday) | 89

CEBU CITY – Pumanaw na si Cebu City Mayor Egdardo Labella Sr., sa edad na 70.

Ito ang kinumpirma sa isang press conference ng kaniyang anak na si Edgardo ‘Jaypee’ Labella Jr.

Ayon kay Jaypee, septic shock secondary to pneumonia ang ikinamatay ng kaniyang ama.

Simula kaninang umaga (November 19) ay bumuhos na sa social media ang pakikiramay ng mga opisyal at mga Cebuano sa pagpanaw ng alkalde.

Kamakailan lang ay dinala ulit sa ospital ang alkalde dahil sa pneumonia.

At dahil sa kondisyon ng kanyang kalusugan, naka-medical leave ito at nagsilbing acting mayor si Cebu City Vice-Mayor Michael Rama

Bago maging alkalde noong 2019, si Labella ay nagsilbi ng 2 consecutive terms bilang bise alkalde ng Cebu City noong 2013 hanggang 2019.

(Renee Lovedorial_La Verdad Correspondent)

Tags: