Ceasefire vs NPA, idineklara mula Dec. 24 hanggang January 2

by Radyo La Verdad | December 20, 2017 (Wednesday) | 2825

Ipinahayag  ni Pangulong Rodrigo Duterte  ang Suspension of Offensive Military Operations o SOMO laban sa New Peoples Army mula sa December 24 hanggang January 2, 2018.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaasahan ng Pangulo na  gagawa rin ang CPP-NPA-NDFP ng katulad na desisyon at igagalang ang SOMO.

Tradisyon na sa panig ng pamahalaan na magdeklara ng SOMO laban sa mga rebeldeng grupo kapag sumasapit ang holiday season.

Tags: , ,