Cash assistance para sa mahihirap ng estudyante, maaaring palawigin ng DSWD

by Radyo La Verdad | September 20, 2022 (Tuesday) | 1791

METRO MANILA – Posibleng palawigin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang payout ng ayuda sa mga mahihirap na estudyante.

Ito ay kung may matitira pa sa pondo ng payout pagkatapos ng huling payout sa September 24.

Mula sa P1.5B na budget para sa ayuda, nasa P1.2B na ang naipamahagi ng ahensya sa mga mahihirap na estudyante.

Sa ngayon, may ilan pa ring hindi nabibigyan ng tulong mula sa mga nagparehistro online at sa mga liblib na lugar na walang access sa internet.

Tags: ,