Campaign Finance Office ng COMELEC, hindi pabor sa extension plea ng LP

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 1597

VICTOR_COMELEC-FACADE
Hindi pabor ang Campaign Finance Office ng Commission on Elections o COMELEC na pagbigyan ang hiling ng Liberal Party at ng presidential candidate nito na si Mar Roxas na mabigyan ng 14 days extension sa pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.

Batay sulat ni Commissioner Christian Robert Lim, pinuno ng CFO, sa en banc, malinaw na nakasaad sa Republic Act No.7166 na ang deadline sa pagsusumite ng SOCE ay tatlumpung araw pagkatapos ng halalan.

Aniya hindi nakasaad sa nasabing batas na binibigyang kapangyarihan ang COMELEC na magtakda ng panahon sa pagsusumite ng SOCE.

Ayon pa kay Lim, hindi magiging patas sa ibang partido at kandidato na sumunod sa deadline kung pagbibigyan ang hirit na palugit ng LP at ni Roxas.

Ang rekomendasyon ng Campaign Finance Office ay kasamang ikokonsidera ng COMELEC sa en banc sa kanilang magiging pasya sa hiling ng LP.

Tags: , , , ,