Call center agent na naaskidente sa motorsiklo sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | October 17, 2017 (Tuesday) | 2973

Nadaanan ng UNTV News and Rescue Team ang lalaking ito na nakaupo pa sa kalsada matapos matumba ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Edsa North Ave., mag-aalas otso kaninang umaga.

Mabilis na nilapatan ng agarang atensyong medikal ng grupo ang mga pinsalang tinamo ni Jonathan Cariño, 30 anyos.

Bakas sa biktima ang iniindang sakit dahil sa sugat at pamamaga ng kanan nitong bukong-bukong at sugat sa kanang siko.

Ayon sa biktima, binabagtas niya ang kahabaan ng Edsa pauwi galing trabaho nang makaidlip kaya siya sumemplang.

Matapos lapatan ng first-aid ng UNTV Rescue  ang biktima ay agad itong dinala sa Quezon City General Hospital para masuri ng mga doctor.

 

Tags: , ,