Tila napipikon na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pumapalpak na proyekto ng pamahalaan.
Noong biyernes sa Davao City, may panibagong warning ito maging sa mga miyembro ng kaniyang gabinete. Partikular na tinukoy ng punong ehekutibo ang mga proyektong pang-imprastraktura na nabibinbin tulad ng mga ginagawang kalsada.
Aniya, patatalsikin niya ang city at project engineer kapag ‘di matagumpay ang mga proyekto o di kaya naman ay hindi papasa sa kanyang standard.
Nagbabala rin ang Pangulo partikular na kay Public Works and Highway Secretary Mark Villar.
Una na ring umani ng atensyon ang mga kontrobersyal na proyekto ng pamahalaan tulad ng Dengvaxia vaccines at barangay health stations ng Department of Health, gayundin ang Dalian train procurement ng Department of Transportation.
( Janice Ingente / UNTV Correspondent )
Tags: Davao City, palpak na mga proyekto, Pangulong Rodrigo Duterte