Cabinet Sec. Almendras, itinalagang Traffic czar ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | September 4, 2015 (Friday) | 821

ALMENDRAS2
Sa lunes ay maguumpisa ng manguna sa pagsasaayos ng traffic sa EDSA ang PNP Highway Patrol Group.

Kasabay nito ang pagkakatalaga ni Pangulong Aquino kay Cabinet Secretary Jose Rene Almendras bilang Traffic czar.

Inatasan na ng pangulo si Almendras na magsimula nang makipagugnayan sa mga ahensya ng pamahaalan na may kinalaman sa pagsasaayos ng trapiko sa kamaynilaan.

Mababatid na si Almendras din ang inatasan ng pangulo na ayusin ang port congestion sa Maynila noong nakaraang taon.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)