Byahe ng MRT, nadelay dahil sa aksidente ng 2 maintenance vehicle kaninang madaling araw

by Radyo La Verdad | September 26, 2018 (Wednesday) | 4120

Naantala ang byahe ng MRT kaninang madaling araw.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ay matapos magkabanggaan ang dalawang maintenance vehicle nito sa pagitan ng Buendia at Guadalupe stations kaninang madaling araw alas tres ng madaling araw.

Anim na MRT personnel ang nasugatan sa aksidente na agad dinala sa pagamutan.

Pasado alas kuwarto na ng madaling araw naialis sa lugar ang dalawang maintenance service vehicle at agad dinala sa MRT depot.

Bunsod ng aksidente, pasado alas sais na ng umaga nakabyahe ang mga tren ng MRT sa halip na alas singko y medya ng madaling araw ang 1st trip nito.

Maraming mga pasahero ang naperwisyo. Humingi naman ng paumanhin ang DOTr at MRT management sa insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Transporation Department kung bakit nagkabangaan ang dalawang maintenance service vehicle.

Tags: , ,