Byahe ng Basco papuntang Maynila at pabalik, kanselado dahil sa bagyong Odette

by Radyo La Verdad | October 13, 2017 (Friday) | 2967

Kanselado ang byahe ng PAL Express na 2P 2084 Manila to Basco at 2P 2085 Basco to Manila batay sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA dahil pa rin sa bagyong Odette.

Ang Batanes ay kasama sa mga lalawigan na nasa ilalim ng Public Storm Warning Signal # 2.

Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang travel agencies o airline company para sa rebooking o refund ng tickets.

Payao ng MIAA, manatiling nakamonitor sa kanilang mga abiso.

Tags: , ,