Desidido ang Department of Finance na magpataw ng dagdag na buwis sa langis.
Mula sa kasalukuyang four pesos and 35 centavos na buwis na ipinapataw sa kada litro ng petroleum products, gagawin na itong sampung piso. Itataas din ang excise tax ng 4% kada taon.
Paliwanag ni Finance Sec. Carlos Dominguez III, dalawang dekada nang hindi na-aadjust ang excise tax na ipinapataw sa oil products sa bansa, kaya naman panahon na upang gawin ito.
Kung matutuloy ito, hihilingin ng mga jeepney operator na gawin nang sampung piso ang minimum fare sa jeep.
Ito anila ang nakikitang nilang paraan para hindi sila malugi.
Tutol naman sa hakbang na ito ang mga commuter.
Marami ang maaapektuhan kung tataas ang preso ng langis sa bansa subalit humihingi ng kaunting sakripisyo ang dof sa publiko habang unti-unti inaayos ng kasalukuyang administrasyon ang sistema ng bansa.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: Buwis sa petroleum products, jeepney operators, P10 minimum fare